
CONTRIBUTED PHOTO: Ang ilan sa mga Taiwan-made food products naka-ban ngayon sa ating bansa dahil sa ang mga ito ay nagtataglay ng maleic acid at synthetic resins na mga sangkap sa paggawa ng automobile parts at plastics. (COURTESY: Food and Drugs Administration)
MANILA, Philippines — Ipinagbabawal ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagpasok sa bansa ng 15 produkto mula sa Taiwan.
Narito ang listahan ng mga ipinagbabawal na Taiwan food products:
- Tea World Starch Ball
- Top 1 Tapioca Pearls
- Sun Right Indica Rice Powder
- Redman Black Tapioca Pearl
- Hong Tapioca Starch
- Long Kow Rice Noodle with Thick Soup
- Long Kow Vegetarian Instant Rice Noodle
- Full Free Yam Rapioca Ball
- Full Free Green Tea Tapioca Ball
- T & M Resources Corp Tapioca Pearls
- Sun Chi Noodles
- Ding Long Tapioca Pearls
- Starch Ball
- Pure Tea Tapioca Pearls (black & white)
- Unbranded Starch Ball
Batay sa ipinalabas na advisory ng FDA, nagtataglay umano ang mga ito ng maleic acid na ginagamit sa pag-manufacture ng automobile parts at synthetic resins na sangkap umano sa paggawa ng plastic.
Ayon sa FDA, nakasasama sa kalusugan ang maleic acid lalo na sa kidney o bato ng tao.
Hindi rin umano rehistrado sa FDA para ibenta sa bansa ang mga nabanggit na produkto.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang monitoring ng ahensya sa Taiwan food products na narito sa bansa.
Pinayuhan ang mga mamimili na maging mapanuri sa mga bibilhing produkto lalo na kung ito ay imported.
Upang makatiyak na ang bibilhin ay rehistrado sa FDA, maaaring bisitahin ang website na www.http://fda.gov.ph.
At para sa mga katanungan, maaari ring mag-email sa info@fda.gov.ph.(Jerico Albano & Ruth Navales, UNTV News)