Quantcast
Channel: Health Archives - UNTV News
Viewing all 1572 articles
Browse latest View live

Ilang uri ng gamot sa merkado, substandard — FDA

$
0
0
FILE PHOTO: Iba't-ibang kulay ng mga gamot na tabletas (Ragesoss from Wikimedia Commons)

FILE PHOTO: Iba’t-ibang kulay ng mga gamot na tabletas (Ragesoss from Wikimedia Commons)

MANILA, Philippines – Nanawagan ngayon sa publiko at mga health practitioner ang Food and Drug Administration (FDA) upang maialis sa merkado ang mga substandard o ang mabababang kalidad na gamot.

Nababahala ang ahensya dahil sa reklamo ng mga doctor mula sa kanilang pasyente hinggil sa mga di mabibisang gamot.

Ayon kay FDA acting director Kenneth Hartigan-Go, maaaring ikamatay ng pasyente kung substandard ang gamot na magagamit nito.

Bukod dito, sa halip aniya na gumaling ay lalo pang lumalakas ang mikrobyong nagdudulot ng sakit dahil kulang ang bisa ng nabiling gamot.

“Substandard drug can kill people especially when it doesn’t reach the desired level.”

Ayon pa kay Go, “Hindi mo na pinatay yung mikrobyo, naging more resistant because it adjusts itself to the chemical so that it becomes stronger.”

Ipinagtataka naman ni Dr. Gene Nisperos ng Health Alliance for Democracy kung paano ito nakalusot sa merkado.

Ayon naman sa FDA, naghigpit na sila ngayon sa pagsusuri ng mga gamot bago ito payagang ilabas sa merkado. Isa sa prosesong dapat pagdaanan ng isang generic drug ay ang bioequivalence test kung saan inaalam kung nasusunod ang tamang sukat ng mga gamot.

Ang problema, may ilang gamot ngayon sa merkado ang naaprubahan ng Bureau of Food and Drugs noon na hindi dumaan sa kaparehong proseso.

“Unfortunately we have allowed many companies in the past when they registered the products na hindi na nagagawa itong bioequivalence test. So we intend to do it,” pahayag pa ni Go.

Hindi naman matiyak ng FDA kung gaano karami ang substandard na gamot na nakakalat ngayon sa merkado. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)


DOH, nagbabala vs. food poisoning ngayong tag-init

$
0
0
Department of Health

Department of Health

MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa food poisoning ngayong tag-init.

Ayon kay DOH Consultant on Lifestyle Diseases Dr. Anthony Leachon, madaling mapanis ang pagkain dahil sa pagdami ng mikrobyo sanhi ng mainit na panahon.

Karaniwan itong nag-uumpisa ilang oras pagkatapos makain ang isang kontaminadong pagkain o maaari  ring  tumagal ng ilang araw depende sa klase ng bacteria na pumasok sa katawan.

“Ang pagkain hindi masyadong natakpan or madaling napanis ang symptoms niyan suka tae agad yan, ngayon kung hindi agad nadala sa ospital lalo na yung pediatric group o matanda o may sakit na diabetes o mahina pwede ma dehydrate, magdidiliryo, bababa ang blood pressure, mag renal failure, in worse cases puwedeng ikamatay ng pasyente,” pahayag ni Dr. Leachon.

Ilan sa sintomas ng food poisoning ay pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagdudumi at kung minsan ay lagnat.

Payo ng DOH, huwag hayaang mabilad sa araw ang pagkain at gumamit ng serving spoon upang maiwasan ang mabilis na pagka-panis ng pagkain.

Pinaiiwas din ang publiko sa pagbili ng street food na lantad sa sikat ng araw at mikrobyo.

Sakaling makaramdam ng sintomas ng food poisoning ay kaagad komunsulta sa doktor. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)

Proper labeling sa mga produktong pagkain, isusulong ng DOH

$
0
0
FILE PHOTO: Mga produktong na may Nutrition Facts label kung saan nakalagay ang calories, sodium, at cholesterol content nito. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Mga produkto na may Nutrition Facts label kung saan nakalagay ang calories, sodium, at cholesterol content nito. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Balak ng Department of Health (DOH) na maghain ng panukalang batas sa Kongreso sa muling pagbubukas ng sesyon nito sa buwan ng Hulyo.

Layon ng panukala na obligahin ang food industry sa bansa na magkaroon ng proper labeling sa kanilang mga produkto hinggil sa tinataglay nitong calorie, sodium o asin at cholesterol level.

Kasunod ito ng ulat ng World Health Organization (WHO) hinggil sa tumataas na bilang ng mga taong nagkakaroon ng high blood pressure o altapresyon dahil sa pagkain ng processed foods.

Sa Pilipinas, iniulat naman ng Department of Health na aabot sa 14-milyong Pilipino ang may high blood pressure at 70 porsyento sa mga namamatay rito ay wala pang 60-anyos.

“Half of sodium you need for that day is in that pack of noodles, processed food are also high in salt, all kinds of sauces, toyo, patis, ketchup all of that are high in salt so we need to know how much salt we are consuming and reduce salt intake that is the one risk factor for Filipinos,” pahayag ni Dr. Susan Mercado, WHO Healthy Communities and Populations Director.

“We would like to inform the public about the content of salt, various cholesterol and other nutrients of our food, I wonder how many people read that,” pahayag naman ni DOH Sec. Enrique Ona.

Kapag mataas ang presyon ng dugo ng isang tao, maaari itong magdulot ng sakit sa bato, stroke at heart failure.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng altapresyon, paalala ng mga dalubhasa iwasang kumain ng mga maaalat na pagkain, iwasan ang paninigarilyo at paginom ng alak.

Ugaliin rin ang pag-eehersisyo, kumain ng maraming gulay at prutas, at magkaroon ng healthy lifestyle. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)

Shellfish sa Balete Bay sa Mati, Davao Oriental, positibo sa red tide toxin — BFAR

$
0
0
Google Maps: Balete Bay, Mati, Davao Oriental

Google Maps: Balete Bay, Mati, Davao Oriental

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng mga shellfish na nahuli mula sa Balete Bay sa Mati, Davao Oriental.

Ito’y matapos lumabas sa kanilang laboratory tests na positibo sa paralytic fish poison o red tide toxin ang Balete Bay.

Ibig sabihin, ipinagbabawal ang paghuli, paghango, pagbebenta at pagkain ng shellfish tulad ng tahong at talaba na mula sa naturang lugar.

Nananatili namang positibo sa red tide toxin ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur at Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Misamis Occidental. (UNTV News)

Heat Stroke Break, ipatutupad ng MMDA sa mga traffic constable at street sweeper

$
0
0
Dahil sa init ng panahon ngayong summer,  one-hour heat stroke break para sa mga kawani ng MMDA na mga nakatalaga sa kalsada tulad ng mga traffic constable at street sweepers. (PHOTOVILLE International)

Dahil sa init ng panahon ngayong summer, one-hour heat stroke break para sa mga kawani ng MMDA na mga nakatalaga sa kalsada tulad ng mga traffic constable at street sweepers. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang one-hour heat stroke break sa mga traffic constable at street sweepers.

Layunin nitong mapangalagaan ang kalusugan ng mga outdoor worker ng ahensya.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, magsisimula ang heat stroke break mula ala-1:30 ng hapon hanggang alas-2, at alas-2:30 hanggang alas-3 ng hapon.

Ang heat stroke break ay ipatutupad ng salitan upang hindi naman mawalan ng mga traffic law enforcer at street sweeper sa lansangan.

Ililipat naman sa pang-gabing duty ang mga outdoor employee na may problema sa kalusugan.

Tatagal ang heat stroke break hanggang Mayo 31 ngayong taon. (UNTV News)

Tip para maiwasan ang heat stroke

$
0
0
FILE PHOTO: Ayon sa Department of Health ang pag-inom ng mahigit sa 8 basong tubig araw-araw ay isa sa paraan upang makaiwas sa heat stroke. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Ayon sa Department of Health ang pag-inom ng mahigit sa 8 basong tubig araw-araw ay isa sa mga paraan upang makaiwas sa heat stroke. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Patuloy na nakararanas ng mainit na panahon ang halos buong bansa sa ngayon.

Ayon sa PAGASA, maaaring tumagal pa ito hanggang Mayo kung saan sa buwan ding ito naitala ang pinakamainit na temperatura noong 1969 na pumalo sa 42.2 degrees celcius.

Sa ngayon ay umaabot na sa 35 degrees celcius ang average temperature sa Metro Manila, habang pumalo na sa 40 degrees celcius ang nararanasang init sa ilang lugar sa bansa tulad sa Isabela.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) upang makaiwas sa heat stroke.

Nagbigay rin ng tip ang DOH upang malaman kung ang isang tao ay nakararanas ng heat stroke.

“Una, ‘pag kinunan niyo po ng temperature more than 40°C. So kung ang temperature niya ay 39 hindi po heat stroke yan nasa ano lang siya heat exhaustion. Bukod dun, dapat may neurological abnormality, either nag-kumbulsyon o hindi na magising yun ang heat stroke,” pahayag ni DOH Spokesman Dr. Eric Tayag.

Ayon sa DOH, maaari pang maagapan bago tuluyang ma-heat stroke.

Ilan sa palatandaan nito ay ang pagkakaroon ng heat rash at pamamanas ng paa. Maaari ding makaramdam ng pananakit ng ulo, pagsusuka, pagtatae at maaari ding himatayin.

“Ibig sabihin niyan pag nakita mo na yung heat rash sinasabi na syo umalis ka na sa init maghanap ka na ng lilim pumunta ka sa malamig na lugar,” pahayag pa ni Dr. Tayag.

Ayon pa sa ahensya, mas malaki ang tsansya na makaranas ng heat stroke ang mga batang 2-taong gulang pababa, mga diabetic, may sakit sa puso at ang matatanda.

Para makaiwas sa heat stroke, payo ng DOH, ugaliing uminom ng mahigit sa walong baso ng tubig kada araw at iwasang lumabas ng bahay sa mga oras na matindi ang sikat ng araw. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)

Bilang ng mga nagkakasakit ng bird flu virus sa China, 51 na; 13 ang patay

$
0
0
Isang 7 taong gulang na babae na apektado ng  H7N9 virus ang binisita ng mga doktor sa Beijing Ditan Hospital nitong Sabado. (PHOTO CREDITS: Xinhua)

Isang 7 taong gulang na babae na apektado ng H7N9 virus ang binisita ng mga doktor sa Beijing Ditan Hospital sa China nitong Sabado. (PHOTO CREDITS: Xinhua)

MANILA, Philippines – Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nagkakasakit ng H7N9 bird flu virus sa China.

Sa pinakahuling ulat ng Xinhua news agency, umabot na sa mahigit limampu ang bilang ng mga nagkasakit at 13 na sa mga ito ang namatay.

Samantala, nanawagan naman ang Department of Health (DOH) sa publiko na agad magpatingin sa doktor kung may sintomas ng bird flu gaya ng lagnat, sipon at ubo.

Tiniyak naman ng DOH na nakahanda ang mga ospital sa bansa, at may kakayahan silang tukuyin kung ang isang pasyente ay infected ng bird flu virus. (UNTV News)

Ecowaste, nagbabala vs krayola at lapis na kontaminado ng mercury

$
0
0
GRAPHICS: Mga brand ng lapis at krayola na may mercury ayon sa pagsusuri ng Ecowaste Coalition. (UNTV News)

GRAPHICS: Mga brand ng lapis at krayola na positibo sa nakalalasong kemikal na Mercury ayon sa pagsusuri ng Ecowaste Coalition. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng grupong Ecowaste Coalition ang mga magulang sa pagbili ng mga krayola at lapis na karaniwang ibinebenta sa mga bangketa at ilang school supplies outlet sa Maynila.

Batay sa pagsusuri ng grupo, kontaminado ng mapanganib na kemikal na mercury ang ilan sa mga lapis at krayola na ibinibenta sa mga bangketa at ilang shopping malls.

Ilan sa mga krayolang napatunayang nagtataglay ng mataas na antas ng mercury ay ang Mingda Colorful Crayons at Jumbo Wax Crayons.

Karamihan naman sa mga lapis na nagtataglay ng mataas na lebel ng mercury ay may tatak na 6181HB at Goliath 908HB.

Bukod sa hindi pagbili ng nasabing school supplies, pinapayuhan din ng grupo ang mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak na palagiang maghugas ng kamay at huwag kagatin o isubo ang writing tools. (UNTV News)


BFAR, itinaas ang babala ng red tide sa 4 na lugar sa Mindanao

$
0
0
Google Maps: Google Maps: Balete Bay, Mati, Davao Oriental

 Google Maps: Balete Bay, Mati, Davao Oriental

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng anumang uri ng shellfish sa 4 na lugar sa Mindanao bunsod ng red tide.

Batay sa red tide bulletin na inilabas ng BFAR, ipinagbabawal ang paghango, pagkain at pagbebenta ng lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa Balete Bay sa Mati, Davao Oriental, Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Misamis Occidental.

Ang mga isda, alimango, pusit at hipon ay ligtas namang kainin basta’t linising mabuti at alisin ang mga lamang-loob bago lutuin. (UNTV News)

Pagbebenta ng feeding bottles na nagtataglay ng kemikal na bisphenol, hiniling na ipagbawal

$
0
0
FILE PHOTO: Feeding Bottle (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Feeding Bottle (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Hiniling ng iba’t ibang environmental at health groups sa Food and Drug Administration (FDA) na tuluyan nang ipagbawal ang kemikal na Bisphenol A o BPA.

Sa petisyon sa FDA, nais ng mga ito ang pagpapatupad ng agarang pagbabawal sa pagbili, paggamit at pagbebenta ng containers na nagtataglay ng BPA.

Ang BPA ay isang uri ng kemikal na karaniwang ginagamit sa paggawa ng clear feeding bottles, food can liners at cups para sa mga sanggol.

Sa isang pag-aaral, sinasabing ang exposure sa BPA ay maaaring maging sanhi ng iba’t ibang sakit tulad ng breast cancer, prostate cancer, coronary heart disease, attention deficit hyper activity disorder o Attention Deficit-Hyperactivity Disorder (ADHD) at reproductive abnormalities.

Kabilang sa mga bansang nagpatupad ng ban sa BPA sa mga baby bottle ang Canada, France, China, USA, Taiwan at 27 bansa na  miyembro ng European Union. (UNTV News)

Pagbebenta ng feeding bottles na nagtataglay ng kemikal na Bisphenol A, hiniling na ipagbawal

$
0
0
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga feeding bottles na may BPA o Bisphenol A. (UNTV News)

Ang ilan sa mga halimbawa ng mga feeding bottles na may BPA o Bisphenol A. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hiniling ng iba’t-ibang environmental at health groups sa Food and Drug Administration (FDA) na tuluyan nang ipagbawal ang kemikal na Bisphenol A o BPA.

Sa petisyon ng EcoWaste Coalition sa FDA, nais ng mga ito ang pagpapatupad ng agarang pagbabawal sa pagbili, paggamit at pagbebenta ng containers na nagtataglay ng BPA.

Ang BPA ay isang uri ng kemikal na karaniwang ginagamit sa paggawa ng clear feeding bottles, food can liners at cups para sa mga sanggol.

Bata sa mga pag-aaral na naisagawa, sinasabing ang exposure sa BPA ay maaaring maging sanhi ng iba’t ibang sakit tulad ng breast cancer, prostate cancer, coronary heart disease, attention deficit-hyperactivity disorder (ADHD) at reproductive abnormalities.

Kabilang sa mga bansang nagpatupad ng ban sa BPA sa mga baby bottle ang Canada (2008), France (2010), China (2011), USA (2012), Taiwan (2013) at 27 bansa na  miyembro ng European Union.

Ilang bansa na rin ang may BPA ban sa baby bottles tulad ng canada noong 2008, France noong 2010, ang dalawampu’t pitong states ng European Union at China noong 2011 , USA noong 2012  at Taiwan ngayong taong 2013

Inaasahan na mapapabilang ang Pilipinas sa mga bansang nagpatupad ng ban sa paggamit ng BPA sa mga food container sakali’t ipagbawal na ito ng tuluyan ng FDA. (Aiko Miguel & Ruth Navales, UNTV News)

Digital gadgets, maaaring makasama sa kalusugan ng mga bata – DSWD

$
0
0
FILE PHOTO: Isang batang naglalaro ng isang smartphone game (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Isang batang babae na naglalaro ng isang smartphone game. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang bata ang sobrang paglalaro gamit ang mga digital gadget tulad ng smartphone, tablet at iPad.

Sa Southeast England, isang apat na taong gulang ang naitalang pinakabatang digital addict sa Britanya dahil sa pagkakalulong sa digital games gamit ang ipad ng kanyang magulang.

Sumasailalim ngayon ang naturang bata sa digital detox sa clinic ni Dr. Richard Graham sa London matapos kakitaan ng widrawal symptoms na gaya ng dinaranas ng isang adik sa alkohol at droga.

Gagastos ng 16,000 pound o halos 1-milyong piso para sa digital detox program.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), dapat ay limitado lamang ang oras ng pagpapagamit ng digital gadget sa mga bata.

“Pati pagkain niya hindi nakakain that is very detrimental then halimbawa yung pati pagwiwi niya pinipigil na niya basta wag lang siya maputol sa games niya, may effect din sa health niya kasi baka magkaroon din siya ng UTI,” pahayag ni Cheryl Pacao-Mainar, DSWD-Protective Services Bureau.

Mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet games lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.

Ayon sa DSWD, posibleng gayahin ng mga bata ang mga ginagawa ng mga character sa mga online games.

“We’ve seen and we’ve heared stories ba dahil nakaaadik ganung types ng games, tapos pag nakakakita yung tipong namamaril parang feeling nila madaling gawin yun kasi barilan nga yung kanilang pinaglalaruan.”

Bukod dito, maaari ding maapektuhan ang pagaaral ng isang bata kung hindi makokontrol ang kanyang paglalaro.

“Yung grades niya pwedeng maapektuhan, pwedeng bumaba or yung school participation niya maaapektuhan din kasi he’d rather play than interact with other children.”

Ayon pa sa DSWD, posible ring magtulak sa isang bata na magnakaw para lamang makapaglaro sa internet shop.

Payo ng ahensya, kung gustong pagbigyan ang mga bata na gumamit ng mga digital gadget, magdownload na lamang ng mga application na maaaring makatulong sa paglinang ng kaisipan ng mga bata gaya ng mga instruction sa pagbabasa.

Kailangan ding bantayan ang oras sa paglalaro nito at limitahan ang mga bata sa pagpapagamit sa mga digital gadget.

“Kailangan lang iregulate ninyo like you allow them to play foe about 30 min then tell them na maglolowbat kasi anak. There are limitations din sa ginagamit niyang gadgets,” pahayag pa ni Pacao. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)

9 out of 10 motorcycle riders, namamatay sa aksidente dahil walang helmet – DOH

$
0
0
FILE PHOTO: Isang motorista na may angkas na bata na walang helmet. Ayon sa DOH, karamihan sa mga namamatay sa aksidente sa motorsiklo ay mga hindi nakasuot o walang helmet. (Raymond Bala Lacsa / PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Isang motorista na may angkas na bata na walang helmet. Ayon sa DOH, karamihan sa mga namamatay sa aksidente sa motorsiklo ay mga hindi nakasuot o walang helmet. (Raymond Bala Lacsa / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Siyam sa sampung motorcycle riders ang namamatay dahil walang suot na helmet.

Batay sa Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS) ng Department of Health (DOH), karamihan sa mga namamatay sa aksidente sa motorsiklo ay mga hindi nakasuot o walang helmet.

Ang naturang ulat ay bahagi ng mahigit sa 13-libong kaso ng mga nasaktan o napinsala sanhi ng disgrasya sa motorsiklo sa huling bahagi ng 2012 na kinalap ng DOH.

Inirekomenda naman ng DOH ang “safety first mindset attitude” para sa mga nagmamaneho ng motorsiklo na responsibilidad ng bawat indibidwal at ng lahat ng mga gumagamit ng kalsada. (UNTV News)

DASH diet, ikinakampanya ng WHO kontra hypertension

$
0
0
FILE PHOTO: Bahagi ng DASH diet ang pagkain ng mga prutas, gulay na walang halong bagoong o patis, whole grain o brown rice, isda at manok na panggagalingan ng protina sa halip na red meat. (Raymond Bala Lacsa / Photoville International)

FILE PHOTO: Bahagi ng DASH diet ang pagkain ng mga prutas, gulay na walang halong bagoong o patis, whole grain o brown rice, isda at manok na panggagalingan ng protina sa halip na red meat. (Raymond Bala Lacsa / Photoville International)

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ng World Health Organization (WHO) ang DASH diet o ang Dietary Approaches to Stop Hypertension.

Ayon kay DOH consultant on non-communicable diseases (NCDs), Dr. Anthony Leachon, nakaaalarma na ang bilang ng mga may hypertension o altapresyon sa Pilipinas na umabot na ngayon sa 25 milyon.

“Sa Asia tayo ang may pinakamataas na magkonsumo ng alat no. 7-15 grams, na ang requirement lang ay mga 4-5 grams lang kung puwede nga 3 grams lang.”

Ayon sa DOH, ang altapresyon ang isang dahilan ng stroke na siya namang nangungunang sakit na nakamamatay sa bansa.

“So mga nakikita namin sa private practice na tumataas ang blood pressure dispite payat. Hindi sila matataba pero matataas ang blood pressure. Itoy inaattribute natin sa diet natin ngayon,” pahayag pa ni Dr. Leachon.

Bahagi ng DASH diet ang pagkain ng mga prutas, gulay na walang halong bagoong o patis, whole grain o brown rice, isda at manok na panggagalingan ng protina sa halip na red meat.

Payo pa ng DOH, dapat limitahan ang pagkonsumo ng asin o alat sa 3 hanggang 4 na gramo lamang sa loob ng isang araw.

Malaking tulong din upang makaiwas sa hypertension ang hindi paninigarilyo o pag-inom ng alak.

Iwasan din ang pagkain ng instant noodles dahil mataas ang sangkap nitong alat.

Plano rin ng Department of Health na isama sa curicculum ng mga mag-aaral ang DASH Diet upang turuan ang mga ito ng wastong pagkain. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)

Bilang ng mga miyembro ng Philhealth, tumaas ngayong taon

$
0
0
FILE PHOTO: Sa loob ng isang tanggapan ng Philhealth. (UNTV News)

FILE PHOTO: Sa loob ng isang tanggapan ng Philhealth. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga miyembro ng Philhealth ngayong taon kumpara noong mga nakaraang taon.

Mula 82% noong 2011 at 85% noong 2012, umabot na ito ngayong taon sa 86% o may bilang na 81 milyong miyembro.

Ayon kay Philhealth Corporate Affairs Vice-President Greg Rulloda, ito’y dahil maraming pulitiko ang nagdagdag ng membership para sa kanilang constituents.

Nilinaw naman ni Rulloda na nangyari ang dagdag na sponsorship ng mga pulitiko para sa kanilang mga kababayan bago pa magpatupad ng election ban ang Commission on Elections.

“Ang mg pulitiko ngayon na tumatakbo ay bawal na magbigay ng Philhealth card, pero bago nagkaroon ng election ban ay ang mga incumbent governors, mayors at iba pang pulitiko ay naglaan ng pondo para sa mga kababayan nila ay namigay para sa insurance ng kanilang kababayan.”(Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)


Mas mahabang oras sa PE class, isinusulong ng DOH

$
0
0
Nagmungkahi rin si DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag ng sayaw na maaaring gawin sa loob mismo ng klase kung sakaling problema ang espasyo  sa loob ng eskwelahan. (UNTV News)

Bukod sa mas mahabang PE classes ng mga estudyante, nagmungkahi rin si DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag ng sayaw na maaaring gawin sa loob mismo ng klase kung sakaling problema ang espasyo sa loob ng eskwelahan. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa lahat ng paaralan sa bansa na magkaroon ng mas mahabang oras na ehersisyo ang bawat estudyante simula ngayong darating na pasukan.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, maraming paraan upang magkaroon ng mas mahabang oras sa physical activity ang mga bata.

“Inirekomenda din namin ang 150 minute na ehersisyo, 30 minuto kada araw sa bawat bata, sapagkat importante to para mapanatili ang kalusugan, ang kakulangan sa ehersisyo ay hindi po maganda.”

Ayon sa DOH, maraming mga bata ngayon ang nagiging sakitin dahil sa kakulangan ng ehersisyo lalo na at karamihan ay nalululong sa mga computer games at panonood ng matagal sa TV.

Dahil dito, inirekomenda ng DOH sa DepEd na magkaroon ng mga laro o di kaya’y paglilinis sa PE Class ng mga bata.

Paliwanag ni Tayag, kung problema ang espasyo sa ilang eskwelahan, pwede naman itong gawin kahit sa loob ng mga silid aralan.

Maaari ding gumawa ng isang sayaw na pwedeng maging ehersisyo sa loob ng mga classroom.

Ayon naman sa DepED, maganda ang panukala ng DOH subalit kailangan pa umano nila itong pag-aaralan dahil gugugol ito ng mas malaking oras at maaaring masakripisyo ang ilang aralin sa mga eskwelahan. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)

Publiko, pinag-iingat sa pagkain ng talaba at iba pang lamang dagat dahil sa red tide

$
0
0
Matarinao, Eastern Samar  (Google Maps)

Matarinao, Eastern Samar (Google Maps)

MANILA, Philippines – Ipinagbabawal ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)  ang pagkain ng shellfish na magmumula sa Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Ito’y matapos lumabas sa kanilang pagsusuri na positibo sa red tide toxin ang Matarinao Bay.

Sa shellfish bulletin ng BFAR, nakasaad na positibo sa paralytic shellfish poison ang nasabing lugar kaya bawal muna ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng anumang uri ng shellfish at alamang mula sa Matarinao Bay.

Nananatili ring positibo sa red tide toxin ang Dumanquilas Bay sa Zamboanga Del Sur at Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Misamis Occidental. (UNTV News)

DOH, naka-heightened alert kaugnay ng kumalakat na MERS-Coronavirus

$
0
0
A MERS coronavirus is shown in this colorized transmission electron micrograph. Photograph by: HO-US National Institute for Allergy and Infectious Diseases-RML Beth Fischer , THE CANADIAN PRESS

A MERS coronavirus is shown in this colorized transmission electron micrograph.
Photograph by: HO-US National Institute for Allergy and Infectious Diseases-RML Beth Fischer , THE CANADIAN PRESS

MANILA, Philippines — Bantay-sarado na ng Department of Health (DOH) ang mga paliparan at iba pang points of entry sa bansa kaugnay ng kumakalat na Middle East Respiratory Syndrome o mas kilala bilang MERS-Coronavirus.

Una nang ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na malaki ang potensyal na maging pandemic ang MERS-CoV kaya’t nagbigay na ito ng babala sa lahat ng mga bansa sa buong mundo.

Sa pinakahuling tala ng Health Ministry ng Saudi Arabia, 38 pasyente na ang nagpositibo sa naturang sakit at 24 sa mga ito ang namatay.

Ipaliwanag ni DOH Asec. Eric Tayag na mas mapanganib pa ang MERS-CoV kaysa sa SARS dahil mabilis itong makahawa

Pero nilinaw ni Tayag na hanggang ngayon ay hindi pa rin  matukoy kung paano nakukuha ang naturang sakit.

“This is a serious global threat to health security and it has the potential to become a pandemic,” ani Tayag.

Paalala ng DOH sa publiko na ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at katawan ang maituturing na pinakamabisang sandata sa ngayon laban sa nakamamatay na sakit.

“Ugaliin na nating maghugas ng kamay, everytime kasi na we touch our hands without washing our hands or everytime we come in contact with another person we spread diseases germs that may cause disease, one of them may be corona or MERS so we don’t know,” pahayag pa ni Tayag. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)

Mga sakit na mauuso ngayong tag-ulan, ibinabala

$
0
0

FILE PHOTO: Pangkaraniwan na ngayon ang pagbaha sa halos lahat ng bahagi ng bansa tuwing sasapit ang tag-ulan, kaya naman nagbabala ang DOH sa mga sakit na maaaring makuha sa ganitong panahon. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

FILE PHOTO: Pangkaraniwan na ngayon ang pagbaha sa halos lahat ng bahagi ng bansa tuwing sasapit ang tag-ulan, kaya naman nagbabala ang DOH sa mga sakit na maaaring makuha sa ganitong panahon. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit ngayong pasukan at tag-ulan.

Uso sa panahong ito ang tinaguriang wild diseases o water, influenza, leptospirosis at dengue.

Ang water ay tumutukoy sa water borne diseases o mga sakit gaya ng cholera at diarrhea na nakukuha sa kontaminadong tubig.

Ang influenza o trangkaso naman ay may sintomas na ubo, sipon at lagnat na maaaring mauwi sa pulmonya kung hindi maagapan.

Pinag-iingat din ang publiko sa sakit na leptospirosis na nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng daga, at ang dengue na nakukuha naman mula sa kagat ng lamok na carrier ng virus.

Payo ng DOH, iwasang lumusong sa baha at panatilihing malinis ang kapaligiran upang makaiwas sa anumang sakit. (UNTV News)

Pilipinas Go4Health, inilunsad ng DOH vs non-communicable diseases

$
0
0
Bilang bahagi ng kampanya ng DOH na Go4Health ay ang flash mob o ang sabaysabay na pagsasayaw. (UNTV News)

Bilang bahagi ng kampanya ng DOH na Go4Health ay ang flash mob o ang biglaang sabaysabay na pagsasayaw sa Binondo kung saan ang mga steps nito ay may kaugnay sa kanilang kampanya at ito ay pinangunahan ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pormal nang inilunsad ng Department of Health (DOH) ang nationwide healthy lifestyle movement na may temang “Pilipinas Go for Health”.

Layon nito na mapigilan ang paglaganap ng non-communicable diseases sa bansa gaya ng sakit sa puso, sakit sa baga, cancer at diabetes.

“Hindi nabibigyan noon ng atensyon itong so called lifestyle diseases and yet ina-analyze mo ng husto the top 4 causes of death among Filipino are ito heart disease, non communicable diseases,” pahayag ni DOH Sec. Enrique Ona.

Ayon sa DOH, pangunahing dahilan ng mga sakit na ito ay kawalan ng regular na ehersisyo, improper diet, sobrang pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Sa tala ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), pito lamang sa 100 Filipino adults ang nag-eehersisyo  ng 3 hangang 4 na beses kada linggo.

Ang kampanyang Go4Health ay tututok sa 4 key health habits gaya ng (1) Go Sigla – mamuhay ng aktibo, (2) Go Sustansya – kumain nang wasto, (3) Go Smoke-free – huwag manigarilyo at (4) Go Slow sa Tagay – umiwas sa alak.

Bilang bahagi naman ng kanilang programa, nagsagawa ang DOH ng isang flash mob sa Binondo, Manila na pinangunahan ni Assistant Secretary Enrique Tayag. (Jerick Mojica & Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 1572 articles
Browse latest View live