
Google Maps: Balete Bay, Mati, Davao Oriental
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng anumang uri ng shellfish sa 4 na lugar sa Mindanao bunsod ng red tide.
Batay sa red tide bulletin na inilabas ng BFAR, ipinagbabawal ang paghango, pagkain at pagbebenta ng lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa Balete Bay sa Mati, Davao Oriental, Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Misamis Occidental.
Ang mga isda, alimango, pusit at hipon ay ligtas namang kainin basta’t linising mabuti at alisin ang mga lamang-loob bago lutuin. (UNTV News)