
Google Maps: Balete Bay, Mati, Davao Oriental
MANILA, Philippines — Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng mga shellfish na nahuli mula sa Balete Bay sa Mati, Davao Oriental.
Ito’y matapos lumabas sa kanilang laboratory tests na positibo sa paralytic fish poison o red tide toxin ang Balete Bay.
Ibig sabihin, ipinagbabawal ang paghuli, paghango, pagbebenta at pagkain ng shellfish tulad ng tahong at talaba na mula sa naturang lugar.
Nananatili namang positibo sa red tide toxin ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur at Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Misamis Occidental. (UNTV News)