MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na manatiling alerto huwag balewalain ang pagkalat ng Omicron at Delta variants sa Pilipinas.
Ayon kay Infectious Disease Expert at DOH Technical Advisory Group member, Dr. Edsel Salvaña, hindi dapat ikonsiderang mild disease lang ang maidudulot ng Omicron variant kahit hindi ito kasing agresibo ng Delta.
“We’re not calling Omicron mild. It is milder than Delta. Delta is 3 times more likely to land you in hospital compared to omicron but omicron can still land you in hospital,” ani Salvaña.
Paliwanag ng eksperto, mas mabilis kumalat o makahawa ang Omicron kumpara sa Delta variant batay sa incubation period nito. May 30 mutations rin ang Omicron sa spike protein kumpara sa orihinal na coronavirus at maaaring makapasok sa selyula ng tao.
“For Omicron, it’s about 3 days and if you consider that people are already contagious 1-2 days before they are symptomatic, for Omicron you are almost contagious just a little over 24 hours, so it is very, very difficult to contain something like that,” paliwanag ni Salvaña.
Ayon naman kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kaunti lang ang naitatalang severe cases ng COVID-19 sa Metro Manila sa kabila ng pagtaas ng mga kaso.
Ito ay dahil aniya sa malawak na vaccination coverage at hindi dahil sa pagiging mild ng Omicron kumpara sa Delta.
“Even though it’s mild kapag tumama sa vulnerable na populasyon maaari pa rin silang magkaroon ng severe infections kaya kailangan lang po talagang na maintindihan natin that the vaccines have protected us and it is showing us that it can protect us,” dagdag pa ni Vergeire.
Samanjtala, ayon naman kay IATF Data Analytics Expert Group member Dr. John Wong, dapat mapaatas ang vaccination coverage ng Visayas at Mindanao region para hindi malala ang maging epekto ng Omicron sa kanila.
Katunayan aniya nasa 35% pa lang vaccination rate sa mga nasa labas ng Metro Manila kung ikukumpara sa 75% na vaccination rate sa rehiyon
“Before the surge arises in other areas we have to vaccinate them at a very high level,” ani Wong.
Maliban sa Omicron ay patuloy ring kumakalat sa bansa ang Delta variant, kaya panawagan ng DOH sa publiko na patuloy na sumunod sa health protocols at magpaturok ng bakuna o booster ang eligible population. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)
The post Omicron variant, ‘mild’ kumpara sa Delta variant pero hindi dapat balewalain – DOH appeared first on UNTV News.