MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na hindi pa aplikable para sa lahat ng sektor ang booster dose laban sa COVID-19.
Sa isang pahayag, iginiit ng DOH na ibibigay muna ang booster dose sa hanay ng fully vaccinated health care workers batay sa inilabas na panuntunan ng pamahalaan.
“The Department of Health would like to remind the public that the general population is not yet eligible for booster vaccination,” ayon sa DOH.
Paalala rin ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan na in phases ang pagpapatupad ng booster dosing:
- Phase 1: healthcare workers
- Phase 2: senior citizens at immunocompromised individuals
- Phase 3: ibang eligible population
“The decision to offer booster doses to healthcare workers is still risk-based and its roll out to other priority groups will be implemented on a phased approach,” ayon sa DOH.
Dagdag pa nito, may bukod na guidelines na ilalabas kapag sisimulan na ang pagbibigay ng booster shots para sa ibang priority sector.
Muli ring iginiit ng DOH na prayoridad pa rin ang pagbibigay ng primary series o una at ikalawang doses ng COVID-19 vaccines kaysa sa booster shots.
“More than administering booster doses, it is still important to ensure that the eligible individuals, especially the senior citizens, those with comorbidities and the indigent population will receive their primary doses,” ang pahayag ng ahensiya.
Unang sinabi ng DOH na hindi sapilitan ang pagpapabakuna ng booster shots.
May kalayaan ring mamili ang isang indibidwal kung heterologous booster ang gusto nilang matanggap.
Kung Sinovac ang primary series, maaari silang makatanggap ng booster shot na gawa ng AstraZeneca, Pfizer or kaya ay ng Moderna.
Kung AstraZeneca ang primary series ay Pfizer o Moderna ang kanilang booster dose.
Ang mga nabakunahan naman ng Pfizer ay maaaring bigyan ng AstraZeneca o Moderna booster habang AstraZeneca at Pfizer naman ang pwedeng iturok sa mga nakakumpleto ng Moderna vaccine series.
Ang mga nabakunahan naman ng Janssen at Sputnik V ay inirerekomendang bigyan ng AstraZeneca, Pfizer, at Moderna bilang booster shots. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)
The post COVID-19 vaccine booster shot, hindi pa para sa lahat – DOH appeared first on UNTV News.