Quantcast
Channel: Health Archives - UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1572

FDA, nagpaalala sa tamang pag-iimbak ng alcohol at sanitizer upang makaiwas sa sunog

$
0
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa wastong pag-iimbak ng rubbing alcohol, sanitizer at iba pang uri ng disinfectant dahil posible umano itong pagmulan ng sunog.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, flammable o madaling masunog ang mga ganitong uri ng materyal dahil sa taglay nitong mataas na antas ng alcohol at iba pang kemikal.

Maliban sa rubbing alcohol at sanitizer, kabilang din sa flammable products na kalimitang nakikita sa bahay ay ang aerosols katulad ng hairspray at anti-perspirant sprays, fabric softener, nail polish remover, cooking oil, at harina.

Ginawa ni Domingo ang paalala sa gitna ng novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic kung kailan marami ang gumagamit ng alcohol at iba pang disinfectant upang makaiwas sa COVID-19.

Ayon sa FDA chief, dapat ilagay sa maayos na lugar ang mga bote ng disinfectants at malayo sa apoy o sa mga bagay na may matataas o maiinit na temperatura.

“Gusto natin sa temperature na mababa, hindi pwede sa mainit, wala sa direct na araw. At syempre gusto natin sa mga lugar na maaliwalas, hindi sa mga confined,” ang wika ni Domingo.

“Kapag ganito, may posibility na pwede siyang ma-ignite o masindihan at hindi lang masunog, maaring sumabog,” dagdag pa niya.

Dapat rin aniya ay may maayos na label ang mga produkto at may sapat na babala at impormasyon para sa mga gagamit nito.

“Meron tayong mga labelling requirements na nakalagay. And in fact, pag alcohol, nakalagay diyan may warning na probable o maaaring masunog at of course maaaring sumabog ang ganitong produkto,” ang wika ni Domingo.

Paalala rin ng opisyal sa publiko na sundin ang mga direksyon sa pakete hinggil sa paggamit at pag-iimbak nito upang makaiwas sa aksidente. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Vincent Arboleda)

The post FDA, nagpaalala sa tamang pag-iimbak ng alcohol at sanitizer upang makaiwas sa sunog appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1572