Quantcast
Channel: Health Archives - UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1572

DOH, tiniyak na ligtas pa ring manganak sa ospital sa gitna ng COVID-19 crisis

$
0
0

MANILA, Philippines – Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng mga buntis hinggil sa kaligtasan ng panganganak sa mga ospital sa gitna ng krisis sa novel coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sa isang Facebook post, tiniyak ng DOH na ligtas pa ring manganak sa mga ospital dahil may sinusunod na istriktong panuntunan ang health facilities upang masegurong ligtas sa naturang sakit ang mga buntis at isisilang nilang sanggol.

“Huwag tayong mangamba na manganak sa ospital. Ang ating mga ospital ay may mahigpit na infection prevention and control measures. Hindi nito pababayaan ang kalusugan niyo at ni baby,” saad ng ahensiya sa isang pahayag.

“Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagbigay ng dekalidad na birthing services habang patuloy ang paglaban ng ating bansa kontra sa COVID-19,” dagdag pa nito.

Payo rin ng DOH sa mga malapit nang manganak na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng kanilang barangay para maihatid sa pagamutan lalo na at suspindido ang public transport habang umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“Kung walang masakyan papuntang paanakan, ipagbigay-alam ito sa inyong barangay upang mapaghandaan bago pa man manganak,” sinabi ng ahensya.

Sa gitna ng COVID-19 crisis, sinabi ng DOH na pinakaligtas pa ring manganak sa isang health facility na nagbibigay ng birthing services gaya ng maternity at newborn care.

Maaari ding manganak sa mga sumusunod na pasilidad na lisensiyado ng DOH at accredited ng Philhealth:

  • Birthing facility ng Helath Center o Municipal/Rural Health Units
  • Mga pribadong lying-in clinics na mayroong midwife, nurse at doctor
  • Mga infirmary

“Kung pipiliing manganak sa panibagong health facility na iba sa inyong napagplanuhan, siguraduhing makipag-ugnyan sa inyong health care provider pang siya ay makapagbigay ng tamang referral o endorsement,” ayon sa DOH.

Kapag malapit nang manganak, mas mainam na rebyuhin ang birth plan (mother-baby book o pregnancy record mula sa inyong healthcare provider), at hangga’t maaari ay ituloy ang prenatal check-ups o kaya ay makipag-usap sa inyong healthcare provider sa pamamagitan ng tawag, text message o email habang may community quarantine.

Dapat ring ihanda ang maternity bag at newborn bag, at isilid rito ang inyong mother-baby book at PhilHealth card.

Ngayong may kumakalat na virus, pinapayuhan ng DOH ang mga buntis na ipagpatuloy ang pag-inom ng supplements na sagana sa iron at folic acid, kumain ng masusustansiyang pagkain at panatilihin ang kalinisan ng katawan, umiwas sa mga pagkaing maalat at mamantika, at ugaliing maghugas ng kamat gamit ang sabit at tubig bago at pagkatapos hawakan at pasusuhin ang inyong sanggol.

The post DOH, tiniyak na ligtas pa ring manganak sa ospital sa gitna ng COVID-19 crisis appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1572